pixel

:Girlie Versoza from Cebu is a GenZ Ecommerce Social Media Manager and Canva Expert. She had finished her Bachelor’s Degree with the support of her parents who worked as a street food vendor, her gratitude post for her parents went viral that she was featured in different TV programs. She’s now in her 4 years of freelancing journey, influencing GenZ through her youtube channel and Tiktok Account and soon a future agency owner.


Hi guys, welcome sa freelancer of the week.

Today I’ll be talking to a social media manager for e-com businesses and a Canva expert from Cebu

and walang iba yan kung hindi si Girlie Verzosa.

Hi guys, so welcome back to my You Tube channel and today

naisipan ko lang mag-video about how I earned one hundred thousand using Canva.

Hi, my name is Girlie Verzosa and..

What I’m doing now as a freelancer is I’m helping e-com business

na mag-show up online.

I’m also a social media manager so I help them to convert their audience into paying clients.

So that’s what I do now.

How long have been doing freelancing and your achievements?

Gaano katagal ka na sa freelancing and ano yung mga achievements mo so far?

In general na nagwo-work online, four years na ko.

At first nagho-homebase lang talaga ko, parang my usual 9-5 job

Mayroon pa ring shift sa gabi.

Kailangan pa rin talagang pumasok. May log in, may log out.

Pero yung pinaka freelancing ko talaga is one and a half year pa lang na malaya sa time.

And then yung achievement is yun nga yung time freedom.

And then… yung..

Na-achieve ko na din yung aking six-figure
dahil sa pagsali ko sa Tribe.

Sarap no?

What are your struggles and challenges?

Yung mga achievements na yan of course hindi naman yan bigla dumaan diba.

Ano naman yung mga struggles mo, yung mga challenges na naranasan mo sa freelancing.

Mga challenges… siguro ano

more on shifting yung mindset,
from employee mindset to ituring na

business yung freelancing.

Kasi parang pag ka nandoon pa rin sa place na, like andun ka pa rin na gusto mo empleyado ka or nagpe-per hour ka, parang…

nakaka-trap siya for a long time.
Sabi ko sayo diba four years na ko pero

one year pa lang talaga mahigit yun aking pagpi-freelancing kasi

Minsan sapat na talaga sayo yung may trabaho ka or nakakaraos ganyan.

So.. siguro yung pinaka mahirap sa kin is yung shift ng mindset. Yung parang mahanap ko yung worth ko talaga.

Kasi dati kahit anong ibayad sa kin na fix okay na sa kin eh.

Eh pag graphic designer ka kahit anong ipagawa sa iyo, lahat ng ibato sayo, gagawin mo talaga.

Eh nung nag-freelancing ako natuto ako na bawat yung ginagawa ko is may kanya kanyang value pala sila.

So dun ako nag-struggle sa transition na yun. Pero worth it naman yun. Pero di siya agad agad,

kasi may mga ano pa siya…

may mga emotional

na ano pa siya.. may mga emotional na kailangan kong pagdaanan na,

minsan may time na malo-lost ka talaga dun sa may part na nagta-transition ka na,

“Tama ba to?” parang babalik ka na naman papunta ka na, babalik ka na naman dun sa

time na..

dun sa comfort zone mo. Pag gusto mo mag-grow medyo uncomfortable, nakakatakot

may breakdown talaga, well umiiyak pa din naman ngayon, pag may ano si client, may mga emotional struggle din na ganoon.

What are the habits you formed that helped you in freelancing?

Dun naman tayo sa…

kasi for me ang importante sakin is yung habits na napo-form natin.

Kasi bilang freelancer diba, yun nga maraming challenges,

out of comfort zone ka eh so dapat

magkaroon ka ng healthy habits. Ano naman yung mga habits na na-form mo na nakatulong sa yo para maging ganyan ka ngayon.

Sa mga habits is…

ang mga na-form ko is one,

yung pagse-celebrate mo ng small wins mo.

Dati kasi..

diba may mga bagay na malalaki na na naa-achieve natin like,

pag nakabili tayo ng bahay, pag nakabili tayo ng kotse,
parang yan yung end goal lagi.

Dun lang tayo masaya doon sa kapag malaki na yong achievement natin. Yun lang yung gusto natin ipagmalaki.

So na-realize ko na yung mga habits ng pagse-celebrate ng small wins is importante kasi diba

kahit maliit lang yung progress na nagawa mo, masaya ka.

Masaya ka along the journey. Hindi mo dine-delay yung saya mo.

Hindi mo dine-delay yung celebration. And I think nakakatulong yan na mag-keep going ka pa rin,

kasi alam mo kung paano i-celebrate yung maliit,

lalong lalo na siguro kapag nag-breakthrough ka na diba.

So yan celebrating small wins.

Pangalawa is yung showing up

even if you don’t feel good,

even if masama yung panahon,
masama yung timpla ng emotion mo, ganyan,

so show up pa din. Kasi madalas ganyan eh sa mga post ko na napaka vulnerable ko minsan

and ngayon di ako natatakot na i-show yan kasi

yun nga sabi ko connected din siya sa celebrating small wins is

yung nao-overcome mo even yung mga maliliit na bagay na ganun.

So mag-show up ka pa rin. Yan yung mga bagay nakatulong sa kin. Kasi akala mo lang yung mga client, akala mo lang

tinitingnan ka nila kapag magaling ka lang.

Pero tinitingnan ka rin pala nila pag nasa online ka kung gaano ka katotoo, kung gaano sila makaka-connect sayo as human,

na “oy may nararamdaman din pala to” nag-struggle pa rin. So minsan may common ground kayo.

Diba kasi ang mga business owners din naman may mga pinagdadaanan din naman sila. So..

ayon, kapag nagkaroon kayo ng alignment na ganoon, medyo nakatulong din yun sa freelancing ko kasi

ayun.. napaka real ganoon. So yun yung mga

nakatulong sa kin. Pati syempre pangatlo is yung community

na sa Tribe na nakatulong sakin kasi,

sabi ko nga lagi ko yang napo-post na

ang hirap mag freelancing ng mag-isa ka, ang lungkot,

Parang ang lungkot ng path na pinuntahan natin kasi nga

lagi ka lang nasa bahay.
Wala ka naman masyadong nakakausap na tao, ganyan.

Pero nung nagkaroon ako ng sinalihan na community ayan may nakakausap na ko, may ka-AC.

Kahit papano may sumusuporta sa post mo, hindi parang dumaan ka lang doon,

tapos wala man lang nagla-like, wala man lang nag-eengage.

Parang meron kang cheerleader na nagsasabi sayo to keep going. So yan yung mga

three things na nakatulong sa’kin sa freelancing.

If you are to start again, how will you do freelancing?

For the benefit naman ng mga mag-start pa lang.

Halimbawa ikaw ay mag-start again sa freelancing

ano ang gagawin mo as a beginner
to start your freelancing journey again.

Ang offer ko is SMM.

Naniniwala talaga ko sa power ng content. Kahit andito ka lang sa bahay mo,

marami kang mari-reach at maabot na tao. So if I’m going to start from scratch,

yan ang una kong gagawin, mag-optimize ng profile,

change siguro ng facebook cover. Check yung offer ko uli.

Tapos magsimula ako magpakita uli online.

Kapag nag-start ka feeling mo wala pa nakakapansin sayo, pero yun nga yung goal eh yung mapansin ka nila

online. So ang gagawin ko talaga is magpo-post ako ulit online

na ma-target ko yung mga audience na yun kasi minsan sinasabi natin na “oy parang wala namang

wala namang kumukuha sa kin. Pero ang totoo is hindi ka nila nakikita.

Hindi ka nila nahahanap dahil hindi ka pa nagpapakita sa kanila online, so yan optimize. And then..

pag nag-start ako sa scratch siguro try ng try
kahit na may mga interviews ka na

nare-reject ka ganoon. Kasi diba yun yung failure kapag nagsisimula ka.

Feeling mo kapag na-fail ka na dito sa interview
na to is wala ng next.

Wala ng next. So sabi ko, siguro kapag nag-start ka is namnamin mo lang yung maraming no, kasi may magye-yes din sayo.

Parang ganon.

So…keep going lang. Mas masarap kasi yung i-celebrate yung pinaghirapan lalo na kapag nag-uumpisa ka.

Who was Girlie in her childhood years?

Dun naman tayo sa up close and personal.

Sino ba si Girlie nung mga early years and ano ba yung mga experiences mo

na nag-hone sayo o nag-contribute kung ano ka ngayon?

Ayan na. So si Girlie is simple lang naman siya na tao.

Tungkol sa family ba to like before ako mag-freelancing?

Before kasi nung nag-aaral pa lang ako, anak kasi ako ng magfi-fishball, oo diba yung nag-street foods.

Street foods, Yun ang nakapagpatapos sa amin ng college.

So habang nag-aaral ka, yung talagang gino-goal mo is yung

mawala na sila di naman mawala yung parang maipag-retire mo na sila sa pag-streets

kasi matanda na rin sila ganyan, mahirap na rin yung

mahirap na rin yung tirik ang araw, umuulan andiyan sila sa labas.

Ayun lang napaka simple lang. Kaya ko din to pinursue tong path na to is kasi

marami din akong hindi nararanasan noon like…

ultimo grocery wala kami sa bahay, kailangan

ultimo shampoo bibilin pa sa tindahan.

kaya like ngayon, na nagwowork na ako ng online is

talagang ang saya saya ko kapag naggo-grocery.

So napakasimple lang ng mga kasiyahan ko dahil sa na-achieve, na tinahak ko na path.

Pero napaka simple lang kasi ng buhay noon talaga.

So paano ka naman napunta sa freelancing?

Sinong naghikayat sayo? Anong nangyari?

Hinikayat ko ang sarili ko, char.

Ang una ko kasing job is customer support,
chat support sa isang BPO company.

So yun yung una kong job.

And na-feel ko na yung magpapalit ng TL lagi

Tapos may hinahabol na metrics,

tapos yung lugar ko kasi parang isang oras at kalahati yata mula doon sa pinapasukan.

So ang nangyayari is lagi akong nale-late. So ang sabi ko

naku kapag itong may mga byahe byahe na trabaho parang di para sa akin talaga.

Kasi kahit naman ok akong magperform sa ano

kulang ang tulog ko. Kasi syempre yung byahe na lang ang laki na ng bagay nun,

na nababawas sa time mo para makatulog, makapagpahinga.

And then papasok ka na naman. So…

sabi ko nag-decide talaga ko noon.
And then noong una nasa Pangasinan pa yung parents ko

so ang goal ko talaga is makuha ko sila dito sa Cebu.

So…sa ganung sweldo, kasi sweldo ko lang ata noon is fourteen or fifteen thousand

Syempre unang job diba wala kang experience nabarat ka sa ano

nabarat ka sa sweldo kahit eight hours kang nagtatrabaho ganun talaga kapag nagstart ka. So…

ang sabi ko sa ganung halaga hindi ko kayang makuha yung parents ko, na like ano, yun mapa-retire na sila.

That time marami ding utang so kailangan kong bayaran. Kaya ayon, so..

ang goal ko talaga is maghanap ng, una part time lang online.

Part time lang online para lang yung..

kung kukunin ko man sila is alam mo yun kaya ko silang buhayin ganun.

So kaya ako napunta sa online kasi,
ewan ko uso ata noon yung maging VA.

Noong mga 2018 uso yung mga VA. “Ano ba yan” sabi kong ganoon.

Tapos dati parang may laptop pa na galing pa noong college ako. So sabi ko baka pwede ako dito kasi

meron naman akong gamit na ganito. So doon ako napunta sa goal na yun na makuha yung parents ko kaya ako nag-online.

Saan galing yung unang client mo?

Nag-post sila sa, I think sa Online Jobs… pa noon.

Online Jobs and then sabi $3 pero ang nangyari naging forty eight hours nung ano na,

parang forty hours yung babayaran pero yung eight hours libre

So parang naging $2.5 ang per hour ko. So ayun nakuha ko sila. Pero masaya na ko nung time na yun kasi..

kung iko-compare ko sa sweldo ko sa pag-chat support is medyo malayo. Like from…

fifteen thousand naging twenty-five. So kahit papano diba

Nag-improve.

Nasa bahay ka pa

Oo nasa bahay pa ko. Kaya yon, masaya din.

What are your current activities?

Ngayon ano naman mga activities mo? Anong pinagkakaabalahan mo? Aside from freelancing?

Aside from freelancing, hala wala na ata…

wala na ata akong social life.

Hindi

Hindi yung You Tube mo, yung Tik Tok mo. Diba related sa freelancing ba yun.

Mga activities ko kasi ngayon medyo related pa rin siya sa freelancing pero

sa sarili ko na, ang ginagawa ko ngayon is para

nag-start na ko maggawa ng mga SOPs

kasi gusto ko na rin ng sarili kong agency kahit na alam mo yun. pero…

Akala ko kung gusto mo mag-start ng agency go na lang. Tapos nung tiningnan ko in a broader picture

Parang sabi ko parang andami palang gagawin muna. Magre-register ka pa sa ganito.

Ire-register mo yung name. So ngayon ang ginawa ko is hinire ko yung ate ko as VA para..

ma-fulfill ko yun. So ngayon ang ginagawa ko muna is

inaayos ko muna yung mga details and then gumagawa ng SOP.

Ngayon nagta-try try na rin mag Tik Tok kasi gusto ko din yun yung maging lead gen.

Kasi isa yun sa offer is yung short vids.

And then ano pa bang ginagawa ko sa buhay ko. Yan na nga sinasabi ko pag walang ginagawa sa buhay eh.

Pero ang dami mong naging followers sa Tik Tok ha.

Di naman siya masyadong madami pero ang saya saya ko kanina kasi umabot na siya ng three hundred.

Kasi nag-start yan, parang yung Tik Tok ko 2017 pa.

Tapos hindi ako nag-upload. Tapos

parang sixty followers lang siya na stagnant na ganoon.

Nung nag-upload na ko, hala meron palang interesado sa mga pinaggagagawa ko sa buhay sabi ko

sige push natin to ngayon. So ayon.

Kelan lang yun nag-start?

Ano lang, wala pang one month eh,

Na nagti-Tik Tok ako. Parang minsan pag sinisipag ako apat. Pag ano naman basta lang siguro goal ko may ma..

post ako isa sa isang araw
tapos break ako ng weekends. Mga ganyan.

What are your goals in the future that you want to achieve?

Past, present and future naman tayo ngayon.

Hala future

Ano bang pinaka goal mo ngayon

sa future?

na gusto mong ma-achieve?

Sa future, siguro dream ko ano..

two hours na lang ako magwo-work everyday and then meron na ako sigurong small team

na more on creatives kasi yun ang industry or parang genre ko eh. More on creatives, so…

hoping na sana, pag ok naging results ng mga ginagawa ko ngayon.

Diba sabi nga yung mga seed na ipina-plant natin ngayon magpo-flourish sya in the future,

ganyan. So sabi ko sige tanim lang ako ng tanim ngayon. Baka sakali in the future magbunga din sya.

So sana ganun yung mangyari.

Yung magkaroon ako ng team and…

yung agency talaga is more on maka-help din sa mga Filipinos siguro na makaalis din sa mga low paying jobs ganyan.

Bat ilang oras ka ba ngayon nagtatrabaho?

Nag-resign nga ako sa 9-5 para maka ano, pero ngayon parang ultimo Sabado Linggo nagwo-work ako.

Yun pala buong araw. Pero marami naman akong tulog yun lang.

Pero it’s a sacrifice na pinili ko I think.

Yung parang kung merong hard, choose your struggle talaga. Eto na lang yung struggle na piliin ko ngayon.

Sa susunod naman or sa future di naman ganun siguro kahirap. So ngayon okay na lang.

Girlie’s thoughts on being a creative

Nakita ko yung design mo eh. Ang gaganda ng design mo eh.

So usually yung mga ganoong designer yun nga stikto sa kanilang art diba

Pag hindi nakuha ng iba yung style mo medyo ano ka.

Kasi ang ano ko naman sa pagdesign ko kasi is talagang ano ko. Sabi nga nung client mo nung isang araw sabi nya,

may dinesign sya tapos sabi nya sa kin

“What are your thoughts?” tapos ako naman sabi ko “I think it’s okay” hindi ko masabi na hindi ko gusto. Sabi nya sa kin.

“Oh my gosh Girlie, you’re so tough” sabi nya sa kin. Sabi nya napakahirap mo namang i-please.

Pero talaga maano kasi ako sa details. Well ano naman. Ganoon kasi ako mag-alaga ng clients.

Like halimbawa nag-wowork ako sa isang agency

ayoko na napapahiya din sila doon sa client .

So medyo pag nagkakawork ako is taon din talaga

yung itinagal ko not unless aalis ako sa kanila yon medyo years din.

Yung 9-5 na ni-resign mo yun ba yung agency yon? Yun yon?

Agency yun. And then may isa pa akong agency ngayon, pero hindi na sobrang bigat. Kasi flexible time na

Pwede ako matulog in between

Pero may time tracker or ganoon?

Wala, walang time tracker.

Oo ganun, pag arts kasi dapat di ka constraint sa oras diba.

Oo sabi ko pag creative dapat bigyan nyo kami ng tulog kung kailan namin gusto, dahil meron kaming mood.

Alam mo yun minsan nasa mood ka,taposyung pang isang linggo mong gagawin natapos mo na,

tapos meron naman na wala ka sa mood tapos ang konti lang nung task

Anong petsa na di ka pa rin tapos so talaga dapat nasa mood ka.

Oo nga eh. Yun talaga yung mindset ng mga artist eh

Kaya ngayon gustong gusto ko yung freelancing na hindi na ako tali sa oras.

Kasi pag hindi talaga ako in my creative zone parang ang hirap. Tititigan ko lang yung PC ko walang mangyayari.

So sabi ko kailangan nasa mood ako.

How do you get back into your creative mood?

Speaking of the moods, ano namang ginagawa mo para maging in the mood ka.

Yan unang una dapat tama yung tulog ko.

Oo minsan talaga ako kasi yung parang sleepy na type ng tao na ang bilis kong makatulog.

Oh masandal lang?

Oo masandal lang ng konti tulog. So medyo talent ko yan.

Hindi ako pwede dun sa mga lalo na yung mga graveyard shift. Though gabi naman ako nag-eedit.

Pero kasi may time na pag medyo napipikit na yung mata ko ituloy na natin. Itulog na talaga.

So yan tulog ng maayos and then ano pa ba?

Kailangan pag nag-eedit ako may music na mga mellow kasi minsan diba ang daming mga sound sa paligid.

So talaga headset ako. Di pwedeng may naririnig akong iba. Yung mga focus na music ganyan.

Nasa tenga ko lang yan. So kahit may kumausap sa kin sa paligid ko wala talaga.

Kahit pa kausapin mo ko hindi nagsi-sink in yung pag-uusap natin. “Ha sinabi mo yun” magugulat pa kong ganoon. Kasi

focus talaga ako sa computer. And tapos music, ano pa ba? I think yun yung pinaka… coffee. Di mawala yung coffee kasi ano

Oo parang dextrose na ata yan o tubig.

Oo may kape din ako dito oh habang nag-uusap.

Ayan kasi hindi talaga mawawala yan coffee.

Yun lang naman ang habit ko talaga is kung gusto mo talagang maging magaling na designer din.

Oh kala mo ang galing galing ko talaga.

Ang ano ko lang is practice everyday.

Like konting oras lang sya. Kasi minsan kapag

gusto nating mag-design or gusto nating maging designer pero may mga days na ayaw natin mag-edit

Pero kasi diba yung skill naman is you learn by doing.

Ah paglipas ng isang araw meron kang technic na natutunan.

Another day iba na naman yung stylel na naaaral mo.

So nagko-compile yan until such time na nagiging strikto ka na sa design kasi

araw araw naging routine mo na, naging sistema mo na

So ayon practice lang araw araw.

Girlie as an advocate of Canva

Alam ko advocate ka ng Canva diba. Yun lang ba gamit mo or nag-Photoshop ka rin dati?

Na-try ko mag-Photoshop pero nahirapan ako.

Ay ganon?

Oo nahirapan ako sa Photoshop.
So ngayon nagiging vise versa, pag sanay ka sa Photoshop

medyo di ka sanay sa Canva.

So ako naman nag-focus na lang ako sa isang application

parang kung baga sa pagpi-freelance nagni-niche down ka din sa app na ginagamit mo.

Kasi ako naman din, feeling ko matagal akong mag-edit pag sa Photoshop, eh napaka importante ng time sa akin,

lalo na kung marami akong kailangan ipasa. Kung madali ko naman siyang magawa sa Canva eh di magka-Canva na lang ako.

Kaya ko naman siyang i-Photoshop quality na sinasabi nila.

Oo nga nakita ko eh. Lahat yung design mo sa Canva yun?

Oo sa Canva ultimo web layout

Aah Canva Pro.

Lahat yon pati…

Lahat ng klaseng design, brochure ba yun?

Oo web layout, social media, PDF…

Podcast, lahat yan na-try ko sa Canva. Pati yung mga newsletter kahit yung mga pini-print, flyer, sa Canva talaga lahat.

Ok naman gawa mo eh. Talo pa yung mga nagpo-Photoshop.

Kung sana nga lang marunong akong mag-Photoshop baka mas

ang dami ko pang namamanipulate na design eh. Pero siguro napaka simple ko lang kasi talagang designer na

Minsan yung mas malinis na design ok na sa kin kasi pag Photoshop medyo dun sa

may manipulation pa na ginagawa diba. So medyo complicated na design yun.

So ako since simple lang naman ang mga design ko. I think okay na siya doon eh.

Di ko na kailangan i-overthink pa. “Di ako magiging designer, di ako marunong mag-Photoshop”

parang ganoon so meron kasing ganoon, pag Canva ganito lang yung kaya mong gawin.

So sabi ko hindi siya gagawing limiting belief.

So ang ano ko is..
for as long as yung design ko is nakakatulong sa client

At nakaka-move on siya sa business nya
using my designs then..

so be it. Wala na siyang care kung anong pang app ang gamitin ko basta nakaka-deliver ako ng maayos.

Yun naman yung purpose nun eh

Oo yun yung purpose.

You solve problems with care…

What happened to Girlie’s YouTube Channel?

Eh yung sa You Tube mo, nagtu-tutorial ka pa rin ba?

Ayun nga sabi ko last year, 365 Days Canva Design Challenge.

Tapos kasi ako din nag-eedit, ako nagvi-video, ako nagpo-promote. Ako nag-eedit,

at the same time meron akong client na inaasikaso.

So ang aking 365 ay naging 19 days.

Nagpo-form na ako ng habit eh. Dumating sa time na talaga na…

Sabi ang hirap pala na mag-edit ng.. kasi hindi ko…

Sakto lang yung skill ko sa video editing. Hindi ko naman siya masyadong skill eh,

pero pwede na alam mo yun, pang-vlog, ganyan. So…

Ano.. Filmora

Pagka talaga mga Adobe medyo kinakabahan ako diyan eh, “Ano na yung napindot ko?” ganun sabi ko.

Parang medyo kinakabahan ako. Hala nasan na ba akong interface medyo ganun ako kinakabahan ako sa Adobe.

So kung ano na lang yung, ano ko sa mga user friendly na mga app

Yung mga madali lang na iinsert ayun.

Nahirapan ako mag-edit. Ang maganda doon is evergreen siya. Until now

Meron namang manonood pwede namang akong like bumalik anytime.

Ngayon nga lang nagpo-focus ako sa short form.

Oo Day 20, after a year Day 20.

Oo uso na ngayon ang short form.
Kaya mag-short form na rin ako eh.

Girlie’s TikTok Strategy

Yung sa Tiktok mo, anong strategy mo, anong ginawa mo?

Sa Tiktok, uhm..

kasi na-feel ko, diba nga ang aking flagship is

promoting your business the Gen Z way.

So yun ang inobserve ko before ako mag-start. Yung Gen Z kasi ngayon is wala silang time

for anything na pang loko loko lang.

They’re more into like yung mga behind the scene.

Are you part of something bigger like. Halimbawa yung sa business mo,

are you part of pagse-save ng environment.

Or are you okay with the LGBTQ. So kung meron kang mga social

na involve ka, na nagbibigay yung product mo ng value parang dun sila mas naa-attract.

Parang yung mga Gen Z, parang wala silang time sa mga simpleng promotion.

Gusto nila yung parang meron kang ginagawa to make the world a better place.

Ganun.. so sabi ko..

Ganun yung approach ko ngayon ng pagvi-video. Napaka-raw, walang masyadong edit

Kung ano masabi ko, yon. Kasi nga yun yung susundan sayo yung pagiging real mo sa video.

Eh dati, ino-overthink mo pa eh samantalang ngayon kahit pixelated na video nagiging viral diba?

So kung sino yung mas real, kung sino yung mas open,

mas human tingnan dun sa mga social media nila or sa mga video nila,

yun yung I think mas gusto ng Gen Z panoorin. Dahil kung hindi kung napaka super

scripted ng lahat, kung sugar coated lahat, parang skip ka na lang eh.

Pero ngayon, nagchi-chismis yung mga tao kahit wala ng kinalaman sa buhay nila.

If it so real papanuorin pa rin nila.
So yun yung aking approach ngayon sa pag-oonline.

Girlie as a product of overthinking

Ang OA ko na. Medyo ano kasi ako eh, product ng overthinking. Yung masyado akong mag-isip minsan.

Aah hindi ka nag-iisa diyan.

Oo sabi ko, may something na kailangan i-crack na code ganun.

So sabi ko ganun ako. Mahilig ako sa mga detective na palabas, ganyan. Kaya siguro…

Mga Sherlock Holmes mga ganyan, tuwang tuwa ako pag mayroong ano

So sabi ko ganun din sa online siguro, “aah hindi ito nagwo-work so bakit ganoon.

And minsan kasi diba like gusto na lang nating mag-post ng mag-post online. And then parang

magwo-wonder ka bakit wala man lang pumapansin. Nagwa-wonder ka kung bakit

wala silang pakialam. Kasi minsan it’s all about you.

Diba parang so ngayon, give value na ikaw yung nag-speak pero para naman sa kanila.

So ngayon pag nagvi-video ako, here’s your tips on how to ganito ganito. So…

para sa kanila, so feeling mo wala kang tinatanim or wala kang mapapala sa kaka-video mo

bigay ka lang ng value. Kasi minsan yung mga video ko na matagal na,

may mag-DM pa sa kin sa Instagram sabihin “huy, I saw your video” and yung video is parang 1 year ago.

Oo may ganon. And then magkakaroon ako ng project because of that video. So sabi ko

careerin natin to ng konti.

Nire-repurpose mo ba yung sa TikTok? Nilalagay nyo sa Instagram saka sa reels ganon? Or iba yon?

May time na nilalagay ko sa reels ng Facebook. Tina-try ko re-upload.

Pero ngayon kasi ang pagta-track ko ng growth is naka-focus kung paano siya mag-grow muna sa TikTok.

So kung baga, focus siya sa Tiktok muna, para alam ko na…

“aah dito pala yung ano”. Pero I think maganda din yung domino na ganun na may pinaghuhugutan ka.

Pero minsan ginagamit ko yung cellphone ko, itututok ko lang sa screen ko tapos sasabihin ko,

“sa You Tube ko may tanong na ganito” so iaano mo

sa TikTok mo yung message sa You Tube, so para in a way connected pa rin silang dalawa. Parang ganun.

Girlie’s viral story

Cellphone lang kailangan mo ngayon.

Oo sabi ko nga, magugulat ka mga pixelated na video, mga may nagulat lang sa TikTok viral na.

Ang ano ko is hindi naman viralities, more on kung paano magiging mas relatable ako online.

Kasi pag viral ano lang eh,

Girlie: pang once in a lifetime lang yan eh.
Rene: parang entertainment lang diba

Parang wala lang, bukas wala na. Pag napanuod na nila, bukas wala na.

Ay pero one time nag-viral yung post ko before, yung about sa pag-graduate

Ng dahil sa fishball.

Aah inano mo rin ba yon… sa fishball.

Oo, pinost ko yun, syempre nagte-thank you lang naman ako sa parents ko diba.

Pero dun ko narealize din yung power ng social media kasi,

hala kung sino sino na nakabasa.
Kung saan saang article na na-post.

Aah ganun, inabot ng ilang views?

Pero ano pa kasi yun 2017.

Ni-repost nila ano yun sa mga blog?

Sa vlog. Sa Rated K, andun.

Aah andun ba? Rated K.

Pero may time na sabi ko, medyo nahirapan ako sa feeling na ganoon.

Ang hirap din palang mag-viral ng ganoon kasi medyo uncomfortable siya.

naging uncomforatble siya kasi.. ano yun, kaga-graduate mo pa lang, and then

people are expecting you na maiaahon mo agad yung pamilya mo sa hirap, parang ganon.

Parang mas tumaas yung pressure. Tumaas yung expectation.

Pwedeng na-push din naman akong magtrabaho kasi nakakahiya fineature ka diba tapos hindi ka gagawa ng

paraan para umokay yung buhay mo. So sabi ko ganun, meron siyang positive and negative effect.

Nakaka-pressure

Eh pressure is a good thing eh diba.

For growth pero kapag ayaw mong mag-grow mahirap ma-pressure.

Ayun nga. Kung di ka naman mape-pressure

parang ano lang

wala kang ita-try. wala kang ita-try na paraan,

Diba kapag nape-pressure ka, your ano is to escape from that.

Magiging ano ka talaga, magti-think ka talaga ano bang gagawin ko para lang ma-solve to. Ayoko na dito sa place na to. So..

Ayun medyo positive pressure naman yung nangyari but then,

very uncomfortable talaga.
Ayoko na nga magpa-interview nun eh.

Pero na-interview ka?

Na-interview ako one time sabi ko last na yun.

Oo ayoko na. Punta ka dito sa radyo na to, punta ka dito sa… sabi ko

hindi ko na po… kasi naging introvert na ko simula nun

Naging introvert na ko na four years ako nasa bahay, na parang

ayoko ng magpakita. Eh tapos yung pinili ko namang trabaho social media.

So ngayon wala naman akong choice, so ayun. Show up naman ang ano ko

From being extrovert to introvert

Eh bakit extrovert ka ba dati?

Oo extrovert ako nung bandang college. Mga high school mga ganyan. Lagi akong nasa…

cheerleading, mga speech choir ganyan, pati yung mga nagde-defense, extemporaneous speech mga ganyan

Para lang maka-escape ako sa quiz, sali ako ganon.

Napaka energetic ko noon kung ano ano ang sinasalihan ko para lang mag-enjoy.

Tapos nung wala na kong nakikitang tao, wala na kong masyadong nakakausap na totoong tao,

pag nasa crowd ako sumasakit na yung ulo ko.

Parang meron ako dito yung masakit na line sa utak, parang stress.

Alam mo yung sa crowd tapos ang daming nagsasalita ganyan… “uwi na tayo” parang nade-drain ang energy ko.

Tapos tuwang tuwa ako pag mag-isa ko sa kwarto. Kasi may kasama ko sa kwarto, ang ate ko eh.

Masaya ko kapag pumapasok na siya sa trabaho kasi solo ko yung lugar.

So ayun, masaya na ko ngayon mag-isa, mag-isa kumain.

Mag-isang makinig ng music, mag-relax, ayun comfort zone. Kaya nung Tribe Anniv, very challenging sa kin yun

Ok, oo, ang taas ng energy ko. Tapos mamaya maya nasa sulok na ko, drain na ko sa energy ko.

Tapos ano na naman happy happy na naman. So parang on and off.

Nung Tribe Anniv, parang sabi ko eh.

Tina-try ko pero bigyan mo ko ng mga 30 minutes magtatalon diyan later on andun na ko sa sulok,

nakatulala na ko na parang na-ooverwhelmed na agad ako sa crowd.

So ayun, medyo mahirap pero tina-try ko. Kaya ayan attend ako ng attend ng meet-up. Time to regain my extrovert Girlie ganon.

Mukang dadami na ulit meet-up eh.

Oo nga eh sabi ko…

katatapos lang ng ano eh gusto nyo mag-meet uli tayo sa QC. Sabi ko di na ko sasama, bibiyahe na ko kinabukasan eh.

Baka di ako magising maiwan ako ng eroplano. Hindi kasi siguro depende sa ,

environment mo at the moment.

Like kung nagwo-work ka siguro sa labas yan sige laag ka, ay laag.

Nagliliwaliw ka lagi with your friends. Pero pag sa online ka kasi, nagiging comfort zone mo naman yung ganito,

yung tahimik ganyan. Siguro mas familiar ka lang,

aah relax ako pag ganito. Kaya minsan

kapag in-out ka na uli sa world

pag in-out ka na uli sa world

medyo meron ng konting discomfort kasi nga unfamiliar na sya sayo.

Pero tingnan mo to napaka relax ko lang kasi online eh. Pero pag sa personal ba makakausap mo ko ng ganito.

Nakaka-drain.

Goal: To be less overthinker

Ang pina-practice ko ngayon maging less overthinker.

Yung parang gawin ko muna saka ko isipin.

Yung parang itinatapon mo yung sarili mo sa isang bagay tapos saka mo na iisipin kung ano yung result ganon. Dati kasi,

before ka mag-decide ang dami ng tumakbo sa utak mo eh. “La ano kaya tong ganito, ganyan.

Ano kayang i-judge sa kin. Ano kayang sasabihin. Anong itatanong sa kin.” Tumatakbo na yun sa brain mo eh.

So ngayon, parang pina-practice ko na yung less overthink, later na. Yung sinabi ni chief na saka mo na siya isipin

hindi pa naman siya problema.

Kasi nag-start din ako ng podcast, eh isang episode lang, trailer lang ata yun tapos

di ko alam kung pano ko ia-approach yung ibang tao to like

makasama ko sila, makakwentuhan ko sila sa podcast na about creatives naman

Pwede naman, try mo. Mag-send ka lang ng invites.

Yun nga eh, hindi ako sing ano mo..

hindi pa ko matapang sa part na yan. Wait lang, isa isa lang.

Yung dating ka-AC ko, kilala mo si Nikki B.

Aah oo.

Nikki B, diba vlogger,

Na-follow ko yun sa You Tube eh

100K na yung subs nya eh.

Pero nung ka-AC ko yun 2 thousand pa lang yung (followers) Actually kakaumpisa pa lang nya nung You Tube nya.

Kahit yung TikTok nya I think malapit na rin. So sabi ko hmm

ako na lang yung hindi kumikilos. May certain ganun ano.

Ako na lang yung hindi nagpo-post. Ako na lang natitirang nag-ooverthink dito.

Kaya kanina nag-post ako about my celebration ng 300 followers eh. Kasi sabi ko

celebrate natin kahit small step. Celebrate natin.

Oo nga hindi pa nga yata ako naka-follow sayo eh. Pa-follow na kita.

Follow mo ako. Dagdag din yun 301.

Like sobrang raw. Like naisip kong mag-video ngayon.

Eto yung topic: How to Reduce Your Revision Time on Your Graphic Design? Tapos chika chika na ko diyan.

Hindi ko na iniisip kung trending ba yung sound o ano. Pero I try na may trending sound pero ang goal ko is magsalita.

And then ano na, meron nga 8 seconds lang eh

Oo short forms

“content tip number 1” shug ganyan, 8 seconds tapos na. So sabi ko,

well siguro kasi meron kang part na “ay video editor ako dapat bongga to diba kahit short lang” ganon so ayon

Yun nga eh. Perfectionist

Oo may perfectionist side.

Ako siguro di ako masyadong perfectionist kasi di naman ko skill masyado yung video sabi ko dun na lang ako sa ano,

pero pag design yun, pag tutorial yang design nyo na yung short lang na tutorial medyo,

tama ba yung pinagsasabi ko dito, ganon. Medyo may ganong effect.

Scrutiny

Morning person or a Night Owl?

Anong oras ka ba ano.. Ano ka ba, daytime ka ba nagtatrabaho or gabi.

Ti-nry ko mag daytime pero talagang yung creativity ko is sa gabi.

Parang gusto ko yung temperature pag gabi saka yung tahimik sa gabi. Kaya kahit di ako graveyard shift,

“bakit ka nagwo-work ng gabi” sabi ng Ate ko eh wala ka namang schedule na pina-follow. Pero

I think better din kasi gising yung mga ano mo.

Kahit flexible ka mas nako-communicate nila agad at mas nasasagot mo agad yung questions nila.

At the same time yun din yung time ko na mas mabilis akong mag-edit.

Hanggang anong oras? Alas tres ganyan?

Mga ano, depende kung madaming deadline. Pero usually mga 2, 3 AM inaantok na ko nyan eh

Yun nga sabi eh ano raw, optimal raw talaga na tulog is 11 hanggang 2 AM.

Pag lumampas ka na dun paggising mo ano kana parang groge

Exhausted

Natulog ka pero exhausted ka pa din. Sabi ko pag inantok na ko nag-memessage pa yung boss ko, sabi ko

“bukas ka na, sleeping time ko na talaga”

Oo sabi nga nya one time “bakit di ka na sumasagot” sabi nya. “Wala na natulog na ko paggising ko umaga na.” sabi ko.

Eh medyo ano kami nung client ko eh parang frennie frennie lang kami eh. “Wala eh nakatulog ako eh”

Pero pag sa corporate ka noon diba, jusko magpapaliwanag ka pa kung bakit ka nakatulog.

Pag nasa corporate ka kailangan may ano ka…

Meron pang mga…

Medical certificate

Tawag dun, mapupunta ka sa HR ganyan. Eh sadya napagod ka, nakatulog ka ganun.

Yan ang ano, perks of being a freelancer.

So tropa tropa mo yung CEO.

Where do you find clients?

San ka naghahanap ng mga clients ngayon?

Ngayon…

Di ka muna naghahanap…

Di muna oo, pero parang nag-start na kong mag-create ng data,

baka i-try ko, yung mag-save ng, yung parang data entry. Yun yung pinapagawa ko sa ate ko

Yung hanapin mo yung… yung gawa ka ng 500 na leads ng US,

500 ng Australia and then ili-list mo sila lahat. Yung target market ko talaga.

And then ito yung social media nila and then, yan yung isa isa natin sigurong iri-reach out ganyan.

So medyo nagiging organize na ko ng konti. Baka mas more on Linked In and Tiktok

E-commerce ba yung market?

Oo E-com. Kakalipat ko lang din kasi ng niche, from mga coaches to E-com.

Bakit ka nagpalit?

Napagod ako char!

Napagod akong mag-ano siguro yung, mag-promote ng personal na,

like halimbawa yung mga, kapag yung coaches kasi like, meron sila yung mga universe, they believe in crystals…

Tapos hindi ako maka-relate. Ayon so sabi ko, wala naman, nothing against dun sa ganun ha…

Kaya lang, hindi ko maarok, pano

pano ko siya gagawing voice ko na sarili kapag andun na sa online. So sabi ko,

Dun na lang ako sa product. At least yung product alam ko. Gagawan mo siya ng promotion sa online pero

it’s all about the product pag E-com. I think I enjoy yung, alam mo yung video na nagpa-packing lang sila.

Ng mga parcels. Diba meron yun sa You Tube eh,

Yung “how I pack my product”

Tapos alam mo yung tunog ng scotch tape, tunog ng mga cutter, sabi ko “nag-eenjoy ako dito” sabi ko.

So parang ASMR in a way tapos sabi ko gustong gusto ko yung mga behind the scene,

paano inaano yung mga product kaya ngayon talagang yung target ko is more on mga product, na eco-friendly naman

kasi gusto ko medyo nakakatulong din sila sa nature.

Naka-try na ko ng isa, simula nung nag-switch ako,
na isang e-com

Na brand na ano naman sila more on dental care.

Tapos mga organic. Hindi sila nag-iisip sa price masyado,

like ‘eto yung price” okay sasabihin ko “eto yung price”

Di ka kailangan mag-explain masyado.

Kasi diba sa E-com, lalo na kapag malaki na sila,

mas malaki talaga ang inaano nila sa advertising.

Kung baga tayong mga freelancers kurot lang ng advertising budget nila feeling natin sobrang premium na sa

paningin natin. Sabi kung ganito yung mahahanap kong clients eh di ang saya diba

Sa bagay. Ano yon nagt-try pa lang sila ng content marketing?

Content ba yung ino-offer mo sa kanila?

Hindi ano,

Kasi nag-aano sila ngayon eh parang leads siguro So ang ginawa ko muna na design is PDF ganyan.

Ganyan, so gagamitin naman nila yun sa parang ano nila, campain nila siguro

na may mga funnel nila so, nag design ako ng PDF

Tsaka ano siya, through connection din. Yung dati kong boss na ni-resignan ko ng 9-5 job

dahil hindi nya malimutan yung pagwo-work ko na ano…

na nirecommend nya ko dito sa friend nya na
naghahanap ng magde-design

So yun..

Ah ganun? Bat ano ba paalam mo sa kanya bat ka nagresign?

health ko.

Hinde ano. Kasi sabi ko..

Toxic ba?

Sabi kasi nila be open if it’s about your health. Dahil nga medyo nag gain ako ng weight, medyo hinihingal

parang hinihika ako pag 2AM

Ganyan, so sabi ko kailangan ko ng adjustment ng schedule, which is hindi nila binigay.

So sabi ko..

masaya ako dito pero kailangan kong unahin yung..

health

Ayan. So yun yung dahilan kung bat ako umalis

Kahit na sabi ko, parang ang laki ng mawawala saking pera pero..

Para ding naka.. after nun. naka focus ako sa freelance kasi diba

parang siya yung nagho-hold ako sa home based e.

na may timer

kada ano mo screenshot, wala ka ng ginagawa, nag aano ka nalang eh.

kasi tapos mo na yung task mo eh, kaso nandun ka pa rin kasi kailangan mong tapusin yung time

Eh pag ang designer tapos na ang ginagawa niya, parang ano na diba

Go na ko ganun. Tapos na yung trabaho ko dito char.

mga ganun

Healthy Topic: Jump ropes and exercises

Naalala ko diba parang nagja-jump rope ka.
galing mo mag jump rope diba. Ikaw ba yun?

Oo nagja-jump rope ako.

Na loose na ako nun ng 7 tapos

Na stop ko siya. 7 Kilos

Tapos na stop ko siya

kasi ano. alam mo yung pag gising ko ng umaga napupulikat yung paa ko. sakit pa naman nun.

Dahil nga medyo nagka-muscle na nga ako sa ano kaka jump-rope nun. Kasi..

ano talaga eh, hini-hit ko na target. two thousand a day, na jump.

Nahi-hit mo yun?

Sabi ko sobrang tagtag talaga na jump rope.

Ano yun diretso? dire-diretso na two thousand? or pedeng hati hati? umaga gabi

Merong ano, I think merong rest

like on the sixth day rest ganun

Meron sa pinterest, yung alam mo ung

This day 1,100 jumps, ganyan

Medyo meron akong mga 21 days ganyan ganyan before.

Ayan sabi ko nga eh. Tapos na adik ako sa jump rope

mga pag may nakita akong bagong kulay eh bili.
Ngayon natutulog sila.

Pero gusto kong bumalik na, pero gusto ko muna yung mga, siguro mga zumba zumba muna.

Parang warm up, kasi yung jump rope napaka ano nyan eh.

sobrang mabigat siya na work out. Cardio.

So ngayon mga warm up muna, pasayaw sayaw muna sa bahay.

Hindi konting ano lang, konting jump rope,
siguro 5 or 10 ano

10 jumps

Meron pa nga akong binili ako. nung tracker ng ano, heartbeat ganyan.

Talagang ano, invested ako sa pagja-jump. Ewan ko.

Ano yun dito sa chest nilalagay?

Hinde, naka ano siya. watch. Smart watch.

Pero magandya siya, pawis na pawis ka eh.

feel mo talaga na cleanse ka for the day. ganon.

Saka sabi ko, ang laki nga ng ginaan ko dun tapos,
yun kumain na naman ako

Kasi ang pangit siguro ng timing ko
kasi malapit ng mag christmas.

alam mo yun, mga handaan

So medyo naligaw ng landas

naligaw

Kaya yung iba january na eh.

Oo akala ko nga naka 21 days ako eh. Naka, diba.

akala ko naka form na ako ng habit, kasi tuloy tuloy yan eh. nga 3:38 ganun talaga

na tuloy tuloy

pero talaga disiplina rin talaga pag dating sa ganon, kahit sabihin mong may habit kana.

pag talagang ikaw mismo tumigil wala din talaga

Eh di kasi, nakaka form ka din ng bad habit eh, mas madali ma form ang bad habit.

Oo mas madali

Oo diba?

nag stop ako, nag pa pahinga na ako ngayun. hindi na nag ja-jump. So ikaw naman, more tulog ka na naman

Yun nga eh, naka form ka ng 21 day.
eh yun bad habit mo. wala 1 day lang.

Ang sabi ko nga kung tinuloy tuloy ko nalang diba, parang

ang payat payat ko na siguro ngayon.

Sabi ko. sayang.. Pero.. we’ll see.

malay mo payat na ako sa Tribe X diba

nagbibitaw ng mga salitang

Di ano lang talaga eh, mas ano raw sa pagkain, hindi sa work out eh

Uy nag ano din ako nyan, nag Keto

na like may fasting na.. may fasting talaga na time. 16 8 ako dati

minsan nga 18 hours eh

na walang food kaya siguro, habang nag ja-jump rope ako nun kaya siguro 7 kilos

in one month ata yun

pero ano raw, maganda wag mo pag sabayin pag nag ano

yun nga eh. sabi ko mali ata yun

para kasing medyo, yung energy ko decline

kung mag wo-work out ka work out lang
tapos pag mag da-diet ka, diet lang.

pero parang gusto ko ano nalang, parang work out kasi

parang ano

diba pag after mo mag edit gusto mo mag pahinga

so siguro sa pagkain

ate ko kasi bake ng bake eh, kakainis

wow baker?

ano bang bini-bake nya?

luto ng luto ng pagkain ayan

pero yun nga, ta try ko.

try nating magbagong buhay,
wow yun na naman malapit na naman january

tawag dito. new year’s resolution

if gagawin ko siya ulit, totodo ko na

alam mo yun parang meron ka nang ano.
Nadaanan mo na yung phase na

nag diet ka tapos bumalik ka.
Parang mas nakikita mo na yung difference.

ng consequence na pag tumigil ka, so siguro pag gagawin ko siya ulit, gagawin ko na talaga na

Kailan, kailan mo gagawin yan

Bukas na, sige!

Bukas na?

sige day 1 bukas

Oo day 1

May gym na nga ata kami sa baba

Gym?

Hindi naman gym, ano lang.
meron treadmill doon, merong mga weights nang konti.

may jump rope

merong yoga, sabi ko ano yan display sa bahay?

Nag yoga ka rin ba?

Ayun ginawa naming tulugan

Yoga tayo yung relaxing, maya maya humihilik na. Jusko.

Nagyoyoga, natulog?

sabi ko “naku ate, sayang naman tong yoga mat”

alam mo siguro may tao lang talagang magaling mag meditate, ganyan. ako hindi

Mahirap yun ah, mahirap gawin yun

Yung nasa state of mind ka talaga, solemn and ano

Focus, parang ang hirap kasi likot ng utak ko eh

parang alam mo yun
pag nag memeditate ako lahat ng sounds parang naririnig ko eh

Di katulad ng mga nag memeditated kaya nila talagang.
parang tumigil ang mundo nila sa

Hirap nga

ang ano raw yan, umpisa ka muna sa ano

2 minutes ganon, 3 minutes

tapos pataas ng pataas

Girlie on improving mental health

Pero ang ganda ng effect no, kasi nanonood din ako sa YouTube ng mga ganyan

Ano yung nag pa ano sa kanila, nang mental health nila

Meditation, journaling. tina try ko mag journaling ulit.
Kasi ginagawa ko yan college pa, journaling.

Nag ra-write, hindi siya yung

diba meron yung digital journaling, ako yung sulat pa rin talaga

Mas maganda raw talaga pag sulat

mas maganda pag sulat kasi

pag digital ano eh, hindi mo sya mararamdaman

Saka may ano, parang may personality yung ano yung

ano mo, yung font style mo

pag medyo galit ka, medyo ang gulo din ng sulat mo

pag medyo relax ka, ang ganda ng penmanship mo. So parang, yung ano mo.. yung..

yung na feel mo that day, naka ano din

para kasing nakikita mo kung pagod yung kamay magsulat

or di kaya magaan lang yung pag sulat, or di kaya medyo twisted yung mga ano mo..may papunta sa left, may papunta sa right

So sabi ko, napaka ano ng journaling, pag binabalikan ko nga yung mga journals ko parang more on,

Yung mga reklamo ko nandoon

Oo so sabi ko, ngayon
kaya nga may time na nag ano ako, nag grateful monday

na to see the good muna, para sa..
para for the week ok yung ano

nag isip ako ng 10, kahit na yung pinag luto ako ng ganito

Alam mo yun, mga simpleng bagay na. Kapag hindi mo siya pinilit isipin na positive. hindi mo siya maiisip

Hindi siya sasagi sa isip mo pero pag.
Ok today what is the 10 things I’m grateful for today

Nakapag ano ako, nakapag laba ako. Kahit mga ganyan.

Wala na kong labahin

grateful kana nun. wala ka nang iisipin

Tapos mga.. kasi diba pag minsan, pag grateful ka.

Dahil freelancer ka, puro about freelancing eh

Ako ngayon sabi ko pag may natapos akong series, sabi ko, “nag enjoy ako dito, masaya ako. Grateful ako natapos ko tong..

series”. Medyo ano ako, less hard on myself

Oo yung parang

kind to yourself

Kinder siguro, dati kasi dapat. Oh gawin mo to, push mo to girlie ngayon

talagang nung nag-seryoso ako. di-nrop ko yung mga pinapanood ko

pero nakaka-drain pala yon, dapat meron ka talagang entertainment nang konti.

may me time ka dapat

Oo may me time

ano, yung napanood ko ulit, ung 20 80 na ano, mile

Kasi minsan todo ako eh, yung sa 80 ako dati

tumatakbo, kaya ang bilis ko mapagod

Ngayon medyo, kahit ano lang. 20 20 lang.
Alam ko may progress na nangyayari. Tapos tuloy tuloy siya.

Totoo pala yun, kala ko insipring video lang yun.

totoo pala yun pag sa totoong buhan na.

Pag sobrang…

focus lang sa 20%

parang over all ano ka talaga. all in ka.

pagod ka talaga

at mas mahirap yun pag napagod ka

mabu-burn out ka eh

maburn out grabe

Kahit anong bakasyon hindi e-effect

kasi diba yan unwind, mag bakasyon ka para mag unwind.

the end of the vacation, stress ka pa din

dapat raw talaga may schedule ka ng ano eh.. vacation.

Kahit.. every 3 monthas ganyan..

Minsan, puro ako all in work

kaya yan sabi ko, tina-try kong i-cut ng i-cut yung work

na nasa bahay lang, then nagtatry ako to meet new people

mag try ng bago, kahit di travel

mag try ng bagong restaurant, mag try ng bagong cafe

mag punta sa tourist spot na to dito sa Cebu

Oo dyan ang dami dyan eh

Oo kaya sabi ko

Di naman siya totally like, mahilig mag travel kasi pag traveler talaga lumilipat lipat

Ngayon ano lang, siguro in the mood to try something new

na out of my freelancing ano

mga break na kailangan ng utak

kailangan sa buhay yan

Oo

Nakaka pressure kasi, ewan ko na pressure ako sa mga wins ng iba

Isa din yun

Well isa din yun

yung parang, nung una inspired na inspired ka.. parang..

dumating ka sa moment na ano

parang yun nga, parang totoo yun, you felt like a loser na

kasi sobrang gagaling nila. ang babata pa nila 17 ganyan

anong ginagawa ko ng 17 ako, sabi ko.

napapatanong ka sa sarili mong journey, dahil nga nananalo sila

ganon, so ako naman, piling pili lang din yung mga binabasa ko

na kino-consume ko. Kasi minsan pag over-consume ka naman

ng wins ng iba. ok naman yun. mag chi-cheer ka naman.

But sometimes, sobrang dami mo nang time for journey ng iba, you forgot your own journey. parang ganun.

Kaya ganun focus tayo sa journey natin, konti.

Tama yun. Hindi naman tayo pare-parehas eh.

Oo hindi naman pare-parehas ng timeline

Yung iba succeed sila ngayon.
Pero kahit nga yung mga successful na eh, nag fa-fail pa.

Oo nga eh, depende kasi sa definition mo ng success eh.. yung iba..

Ako nga yung success ko yung nakakapag grocery na ako ngayun eh.

sabi ko, ganun na kasimple ngayon.
Basta na bibili ko yung Shopee ko. Naka-kain kami.

Dati hindi kami nag ce-celebrate ng birthday ,na like simba lang talaga walang handa handa. Ngayon every birthday may handa

Ayan yung mga like..kung meron akong hindi na experience noon na na-experience ko ngayon

is parang success na din siya sa akin

small wins na..

small wins oo

Actually hindi nga small yan eh.. kasi yan yung purpose kaya ka talaga nag

nag pi-freelance, para kumita ng pera para

yung sa family diba,
yung family naman talaga yung pinaka ano eh

pinaka main purpose mo

Parting words of wisdom

Parting words, pinaka advice mo sa
mga beginners na mag pi-freelance

Ang advice ko siguro is…

follow your heat kung ano yung passion mo talaga

and then

I transform mo siya dito sa pag o-online

kasi minsan diba pag na-stuck tayo sa.. like

maging.. for the sake lang na magkaroon ng work

kahit anong work, kahit hindi tayo masaya basta sumusweldo ganun so

Siguro follow your heart.
And if meron mang isang skill na pang freelancing

na mag ma-match dun sa magpapasaya sayo then go for it.

try mo din kasi maraming opportunities ngayon na kayang kaya mo nang gawin sa bahay

di naman lagi kailangan malayo ka sa pamilya mo. like..

dito lang kayo sa Pilipinas pero di rin naman kayo nagkikita ng anak mo, or ng asawa mo. Diba?

so ang ano ko is, mag freelance na rin kayo kung talagang yan ang gusto niyong tahakin na landas kasi

yun nga, magkakaroon kayo ng more time sa mga family niyo. Kasi diba hindi naman siya yung naibabalik na time

pag lumaki na sila or pag tumanda na yung pamilya mo,
hindi naman na like

pag ok na ko babalik nalang ako dito sa time na to.
Hindi naman ganun..

So ayun lang, siguro if mag start kayo, start with your WHY. Kung ano yung mga pinag huhugutan ninyo sa life

masarap din kasi mag trabaho ng may purpose ka.
Kaysa yung magtrabaho ka lang just to say na sumesweldo ka

Ayun.. yun lang.

Alright that is Girlie Versosa

And if you like the video

Just smash the like button

And if you want more Freelancers of the Week

Just subscribe and click the notification bell

and tell me, who do you want next

Alright this is Rene of Freelancer Philippines
and I’ll see you at the next video