pixel

Are you an OFW considering going home “for good” pero hindi ka sigurado kung anong pwede mong trabaho that will earn the same, if not higher than your current salary abroad? Then ready your pen and paper as we interview Rowell Austria, a DJ from Abu Dhabi, who is now earning 3-4x his previous salary as a Facebook Ads expert.

Rene: So Rowell, introduce yourself first, yung name and taga saan ka.

Rowell: Hi guys! Welcome dito sa vlog ni Rene for freelancers. Ako si Rowell, and I’m from Cavite. I’m doing Facebook Advertising to serve business owners here and abroad as my bread and butter. Yun na yung ginagawa ko. Technically, I’m a freelancer. I’m doing Facebook Ads, Instagram Ads, Tiktok Ads, basically anything about ads for businesses, so any kind of niches. So yun yung ginagawa ko. Thank you for having me, bro.

What are your achievements as a Freelancer?

Rene: Yeah. So how long have you been freelancing, and what are your achievements so far?

Rowell: Ok. I can say first, medyo matagal na rin. Kasi nung galing ako sa Abu Dhabi, pag-uwi ko dito, I started as a VA, so merong mga calls, merong mga admin tasks. Mga wayback I think it’s 2016, nagpe-Facebook Ads na ko on the side pero di pa ganun kagaling so parang pina-practice ko pa siya saka inaaral . Parang boosting[?] pa nung time na yun eh. So suma total siguro mga five years ko na rin ginagawa— Nagstart ako mag-focus ng Facebook Advertising. I think that’s one of my achievements, since I mentioned na dati akong OFW so with this kind of— I was able to stay here for good in the Philippines, yun yung kinaganda nun. 

Second, somehow siguro mga around 2020, 2021 nagiging stable na talaga siya yun yung another achievement. Somehow nako-cover na yung lifestyle, yung mga needs, yung mga necessities na nakukuha ko dun sa pagiging freelancer. So I guess yun yung achievements. 

Then lastly, so far since (I’m a) freelancer I also help other freelancer and businesses. I guess yun yung isang achievement ko na napapasa ko yung knowledge ko, natuturo ko sa iba. In terms of income, I could say na siguro 3-4 times ng sinasahod ko sa abroad. Yun yung nakukuha ko ngayon. So far, yun yung mga aachievements. Marami na rin and proud naman ako dun, pinaghirapan.

Rene: Yes, grabe. 4-5 times.

Rowell: Oo, dun sa Abu Dhabi kasi nung nag-DJ ako, ‘di naman talaga ganun kalaki sahod, so may mga talent talent, ‘di siya ganun kalaki unlike ng mga professional na mga 6 digits, hindi ganun. Kaya nung nakita ko yung opportunity nung pag-uwi ko dito, nag-stay na ko, dun nag-start. 

What are your challenges and struggles (as a freelancer)?

Rene: Aside sa mga achievements, syempre ‘di naman yan dumating agad no? So ano yung mga naging struggles mo or mga challenges?

Rowell: Mga challenges no? Sorry, nag-pause eh. 

Rene: Ok.

Rowell: Syempre yung mga challenges nung nag-start ako as a VA, medyo mahirap kasi it was like $3 per hour, tapos naka time tracker. So meaning, if nakita na hindi ka sumasagot or nakita na wala kang ginagalaw, hindi magre-record yung ginagawa mo. So yun yung first na struggle ko. 

Second na struggle ko is yung ibang past na VA (job) merong mga call related, eh hindi ako magaling sa call related na work eh. Basta ‘di ako magaling dun. Parang di ako pwede pang call center. So nung nag-VA ako ganun din, parang work from home, na parang  VA tapos call center, basta ganun siya. Yun yung mga struggles. Napagsabihan pa nga ako before na hindi ako marunong magbenta. Kaya siguro mga 14 days lang ako dun sa isang employment na yun ‘pre. Oo, promise. Ang sakit kaya sa dibdib. Ang nangyari tinanggal ako. Yun yung mga struggles. 

Then, ayun din syempre, dahil wala kang experience ang hirap maghanap ng premium clients. Yung masasabi mong maganda yung bayad sayo. Nasa Upwork pa kasi ako nun eh. So yun yung mga challenges. Marami kang competition and then wala kang sariling proseso, walang mentor tapos nanghihinayang akong mag-invest sa knowledge kaya yun yung mga struggles, kaya matagal. Siguro inabot din ako ng 1 ½  to 2 years bago talagang nakita ko na nagkakaroon ng maayos ayos na resulta yung pagpi-freelance ko. Well, yun kaya siya naging matagal dahil nung time na nag-start kami, wala talagang mga mentors. Wala, kanya kanya. Yun, ganun siya. 

Rene: Nabanggit mo rin dito na sa health mo ‘diba— overworked?

Rowell: Yeah. From work, na-experince ko magka-UTI, magkaroon ng lagnat na mahaba. I thought before nung wala pang nagtuturo sa amin, syempre sariling sikap pa, I thought pag work from home okay na. Ang nangyayari sa amin without early notice bigla kaming pagdu-dutyhin ganyan so wala akong control. So hindi ka pa rin freelance. Hindi mo pa rin hawak oras mo employed ka pa rin nasa bahay ka lang. So yun nagkasakit ako. Na-ospital ako. Kaya wake up call yun. Nagresign ako dun sa previous employer ko nun. Then yun dun ako naghanap ng goal. Pano ko ba to mababago?

What are the habits that you developed that helped you in freelancing?

Rene: Ang pinaka-important kasi sa akin yung mga habits, kasi as a freelancer dapat diba meron tayong mga healthy habits. So ano ba yung mga habits na na-develop mo na nakatulong sa iyo?

Rowell: Syempre nagpo-fall short pa din tayo sometimes. Hindi naman tayo perfect. Tao lang tayo. Pero one of the habits that I’ve created when I started freelancing upon reading books ha, is yung instead na you’re doing the things that you’re gonna do today na ipa-plan mo sa umaga, wag mong gagawin yun kasi ubos na agad yung oras mo sa plano pa lang. So what you will do is gabi pa lang, bago ka matulog, yung top 3 priorities mo, in terms of finances, sa work, sa health— I mean, sorry, sa finances kasama na dun yung work, of course, yung health mo, then yung relationship. Yung tatlo na yun yung priority. So dun ka lang lagi magbo-boil down. 

Huwag mo ring pupunuin ng to-do yung isang araw mo. Kasi isa sa mga natutunan ko is yung will power natin may limitations eh. So per day hindi mo siya mama-maximize talaga na parang ok sa isang buong araw puro to-do, to-do. Kalokohan siya. In reality, limitado lang talaga. I think mga 4-6 hours lang andun yung will power mo to do what you need to do. Kaya kailangan pipili ka na agad ng pinaka importante. Kasi ‘diba may sinasabi nga tayo na priority, urgent (but not) important, important pero not urgent, mga ganun, ‘diba? Yung hati hati. So lagi ang pipiliin nyo ay urgent and important, so yun yung number 1 priority. Yun yung masasabi ko. So again, when it comes to habits, sa gabi pa lang sulat mo na yung top 3 sa areas na yun sa finances, relationship, saka sa health. Hindi ka malilito kinabukasan. Hindi ka magpo-procrastinate kasi meron ka ng guide. Yon, yun lang. 

Rene: Kay ano yan ‘diba, kay Steven Covey,  Seven habits?

Rowell: Oo, Seven Effective Habits yata. Pero yung natutunan ko sa will power, yung sa book na One Thing. I don’t know nakalimutan ko yung author. So dun nya ipinaliwanag na about sa will power, which is totoo. Kaya nauubos yung oras ng isang tao— Like, for example ha, diba freelancer ka? So instead na ipa-prioritize mo yung client work, ano gagawin mo? Maglalaba ka. Maghuhugas kang pinggan. Magwawalis ka sa labas. So kapag magtatrabaho ka na, wala na. Tatamarin ka na.

Rene: Wala na.

Rowell: So mamimili ka kung ano gusto mo anong gagawin mo through (the day). So yun yung will power.

Rene: Parang nauubos kasi yung will power mo kaka-battle.

Rowell: Exactly, para siyang battle. Mauubos talaga.

If you are to start again, how will you do freelancing?

Rene: For the benefit of, yung mga starting pa lang… For example, kung ikaw mag-start ka uli, ano yung susundan mong path as a beginner freelancer?

Rowell: If that happens na magsisimula ulit ako from scratch, siguro magiging advice ko sa mga baguhan na freelancer kung gusto mong mag-jump into freelancing is to get a mentor talaga. Yun ang pinaka short cut, wala ng iba. Just make sure na make reading a habit, yun pa yung isa. Kaya maraming nai-scam na Pinoy kasi ang ginagawa nila, alam mo yun, kala nila get-rich-quick scheme. I don’t know kung tama yung term ko, but yun, kala nila ganun siya eh, hindi sya ganun. I really suggest na kung kukuha rin sila ng mentor, you need to study yung background ng mentor. Like, for example, (in) freelancing, diba number one diyan is John, yung Freelance Movement Tribe? Super effective yan. For years na yan nagtuturo ng freelancing, ‘diba? So again, if I’m going to start hindi ako manghihinayang mag-invest sa mentor. Walang ibang way, mas mabilis matuto.   

Rene: Yes. Ngayon andami na eh, dati wala talagang mga ganyan no, mga groups.

Rowell: Oo, dati wala, kanya kanya. Saka walang community. Eto, at least ngayon meron na eh. Dati talaga wala. Tapos meron pang scarcity mindset no? “‘Di, ayoko sabihin sayo pano freelancing baka mamaya agawan mo pa ko ng client,” ‘diba?

Rene: Oo ganun diba, ngayon..

Rowell: Ngayon, kapag natuto ka about sa beliefs eh wala di mo na iisipin yun. Bagkus, magre-refer ka pa sa iba kapag ‘di mo forte yung hinahanap

How did Rowell transition from being a DJ to an FB Ads Specialist?

Rene: Yan tapos na yung ating mga questions. Kamusta ka ba? ‘Diba DJ ka? Kwentuhan mo nga ako ng mga experiences mo as DJ. Bakit ka napunta dun, and paano ka napunta sa freelancing?

Rowell: Ganito kasi sya… Before talaga, year 2012, banda ako, singer ako. Tapos, it came to a point na after 2 years, hindi kami makaalis. Meaning, hindi makapunta sa ibang bansa. Kasi ang banda sa Pilipinas— Most of the bands ganun ang plans. Bubuo ng banda, magkakamado dito, or magpa-practice, gagawa ng mga gigs pero ang pinaka goal talaga is makapangibang bansa. But unfortunately, I don’t know what happen so di rin ako nakapaghintay, pero 2 years yun. Tagal na rin kung iisipin mo, so I decided to quit. Nag-quit talaga ako. But for my own reason ‘di dahil may nakaaway ako sa group or something. Kasi sabi ko if mag-stay ako parang wala akong mararating. So that’s the time mga around 2015, nag-aral ako mag-DJ sa club. Tapos nag-apply ako sa agency na nagpapaalis. So yun yung story. Naging club DJ ako sa Abu Dhabi. 

Napunta ako sa advertising kasi nga nung time din na yon, medyo may alam ako sa boosting eh. So ang nangyari is yung bar, walang tao. Ginawa ko binoost ko yun, nanghingi ako sa manager kong Pinoy ng budget, ayun nagkakatao na siya. Tapos nung nakita ko na pwede palang pagkakitaan yung Facebook sa service, nakikita ko lang sya dati, so nagkaroon ako ng idea. Hindi ko naman na-predict na dito ako mapupunta na ganito yung [?] kung baga parang accidentally lang, siguro dahil din sa mga ginagawa ko. May idea na ko kahit papano sa Facebook pero boosting pa lang before 2016, 2015 ganyan. Ayun so dun ako napunta hanggang sa maging advertiser na. Yun yung story.

What are your current activities aside from freelancing?

Rene: So ngayon, ano mga pinagkakaabalahan mo ngayon musta yung group mo. Ano mga activities mo ngayon sa freelancing?

Rowell: Aside sa freelancing, as I’ve mentioned, since isa sa mga focused na niche ko is Facebook Ads for Real Estate so nagtuturo tayo sa agents and brokers na gustong mapunta ng Facebook Ads especially if hindi pa sila ready to invest for e-marketer like us [mga] freelancer. Yun yung isa sa mga pinagkakaabalahan ko, yung online course na yun na ginawa ko wayback 2018 pa. Pero nung 2018, wala pa yung pangalan, basta Facebook Ads lang for Real Estate but nung 2021, dun siya nagkaroon ng pangalan, yung SMARE. So yun yung Social Media Ads for Real Estate. Yun yung isa sa mga pinagkakaabalahan ko aside freelancing. Then minsan, lumalabas, kumakanta-kanta pa rin sa mga foodpark, sa mga bar. 

Rene: [?]

Rowell: Usually yun na lang ang ginagawa ko. Oo nagja-jam lang sa mga banda. Ganun ang ginagawa ko. 

Rene: Kaya pala matindi pa din ang performance mo ha hasang-hasa ka pa rin. 

Rowell: Nahasa na. Ayun, yun lang ang ginagawa ko.

What are the future goals that you want to achieve?

Rene: So, sa future naman ano pinaka goal mo ngayon, ano gusto mo ma-achieve?

Rowell: Sa growth ba or sa mga missions? I think it doesn’t [matter] so much. Of course, yung marami pang matulungan na business owners and at the same time, lumaki yung [mga] members ko kasi yun yung maganda kapag dumadami yung clients at nagkakaroon ka ng team members, nakikita mo na nakakatulong ka rin sa ibang tao. Yun yung goal ko, yung mapalaki pa siya. 

Tapos dun naman sa online course ko, ang goal ko is makilala siya as number one. Alam mo yung top of mind? Kapag sinabing gusto kong matuto ng Facebook Ads for Real Estate, eh gusto kong ma[isip] agad ng kausap SMARE si ano. Kasi yun yung mission ko. Reason why… Before kasi nung ni-launch ko SMARE, ang goal lang naman niyan is matutunan lang ng iba paano yung Facebook Ads for Real Estate. But habang tumatagal, kapag nakakakuha ako ng mga surveys, testimonials, even if may nai-interview ako before, they get the course. Kasi ganito eh… Minsan nag one on one din ako kapag maraming tanong sa course. Before parang di ko ma-gets bakit kailangan pa kong makausap sa Zoom,  kasi diba parang hassle. Totoo naman yon. 

Rene: Oo


Rowell: But I still accept it. So makikipag-usap ako, then dun na na-attach yung main reason, yung biggest why nila. Why they would like to join SMARE? Bakit gusto nila matutunan? So yun para sa mga pangarap nila, pangarap nila sa pamilya nila, sa mga nanay, tatay, sa mga anak. Then dun nabuo lalo yung mission ko ngayon na hindi lang pala dahil sa gusto ko silang matuto ng Facebook Ads for Real Estate kung di ako yung magiging bridge ng gap nila kung saan [nila] gusto mapunta. So yun yung SMARE ngayon. Yun yung nasa mindset ko. So sana in the future mangyari. 

Grabe nga eh. Alam mo may mga nakakausap pa ko na talagang teary-eyed, naiiyak ganyan. Nawawalan na ng self confidence. ‘Di ko alam na ganoon na pala ang impact ng SMARE. So kahit ako walang idea. Nagulat na lang ako ganun sya. Kaya I decided na talagang idirecho. 

Rene: Ilan na members mo sa SMARE?

Rowell: I think [nasa] mga 550+ na. Marami-rami na rin.

Rene: Oo. Still growing.

Rowell: Oo. We’re still promoting it, dire-direcho. 

Rene: Yeah. Of course, I hope makatulong ito sa pag-promote nyo. 

Rowell: Yeah, thank you.

Final words of wisdom (for new freelancers)?

Rene: Yun, tapos na ko eh, any last words sa ating magiging viewers? 

Rowell: Last word, o sige. Isa lang naman para sa mga nanunuod… Huwag kayo matakot mag-take ng risk kasi life is short.

Rene: Teka lang medyo umingay eh. Paulit na lang uli.

Rowell: Ang advice ko sa mga gustong mag-start is huwag na kayo mag-overthink kasi life is short. We need to take the risk. Huwag na natin isipin yung negative kasi kung ano yung ipini-feed mo sa isip mo yun yung mangyayari. But if we think positively, yun din yung mangyayari.

Ngayon if you tried then you failed, just take a rest tapos mag-try ka lang ulit especially dun sa [freelancing] kasi business yan eh. Huwag ka masyado mag-overhang kasi di ka makaka-move. So yun lang, take risk.

Rene: Yon. Thank you very much.

Rowell: Thank you rin, bro.

Gaya ni Rowell, kaya mo din magpalit ng career at matuto ng bagong skill basta may sipag, dedication, at guidance ng tamang tao. If you are a Realtor who wants to learn about Facebook Ads, or an OFW who is looking into a new career, get in touch with Rowell on his page.

Bookmark this page so you’ll be notified of more inspiring stories from our freelancers in the Philippines.