What does it take to be a successful YouTube ads marketer? If you are a video marketer and filmmaker looking into freelancing, we interviewed Coach Shoden YouTube Ads Expert on what he did to become the go-to high ticket YouTube ads marketer for local and international clients.
Rene: Welcome, Coach Shods. First, introduce yourself, your name, where you’re from, and ‘yon introduce yourself na.
Coach Shoden Youtube ads Hi guys, magandang hapon po sa inyong lahat. Nandito na po ako sa channel ni Coach Rene, and I’m so happy to be here. So nga pala, ako si Shoden from Tacloban. ‘Di joke lang…
So my name is Shoden, and I am a video marketer. I help yung mga coaches and high ticket funnels with high converting YouTube Ads. So yan yung ginagawa ko for clients right now, and yeah, I hope na maging fruitful yung mga sagot ko para sa ating session today.
What are your achievements as a freelancer?
Rene: So, first, how long have you been freelancing? And yung mga achievements mo.
Coach Shoden Youtube ads: Naku nakakahiya naman, pero hinde. Ikwento ko na lang yung nangyari sa kin.. So yung story ko kasi medyo mas matagal na kasi before ako naging video marketer na nagwowork online ang ginagawa ko talaga dati was offline video.
So isa akong documentary film maker and then for the longest time I was doing that and mga corporate event pati mga wedding yung mga same day edit mga ganun kaya napadpad ako sa online freelancing medyo 2017, 2018 na.
But I started freelancing in the sense of not being in the corporate mga 2012, 2013 pa. So ang kwento nun, after I left the corporate world, I actually got several projects dun sa video ng documentary on climate change. So nangyari nun, nakagawa nga kami ng magandang video, then sakto nun Yolanda kasi nun 2013 eh.
Nakagawa kami ng magandang video for our client. Natuwa sila pero after namin pinaghirapan yun kasi syempre sira-sira yung Pilipinas nung time na yun, ang ginawa lang nila is binayaran lang kami and.. “Thank you”. Yun lang medyo malungkot kasi climate change tayo sa Pilipinas medyo malaki impact sa mga bagyo sa mga hindi nag-iingat about climate change.
The “lightbulb moment”
Kaya naisip ko, “Pano kaya magkaroon pa ng impact yung mga videos na ginagawa ko para sa clients even after ko sya na-submit?” Para syang naging question. So kaya nung time na yun nagstart na yung journey ko on learning how to do video marketing, meaning kapag gumawa ka ng video hindi lang “thank you”. So kahit mataas naman yung bayad nung time na yon, hindi lang sya “thank you” kasi sayang eh, ‘di ba??
Yung message saka yung impact ng ginagawa mong video dapat di lang sya pagkatapos ng mawala sa newsfeed. ‘di ba nag-eevaporate yung newsfeed? Yun na. So after that series of like, naka few hundreds series of likes, yun na tapos impact eh yung video sana na yon makakatulong sana sya ng mas maraming tao.
Kasi yung series ng documentary na yon on how to mitigate the impact of climate change in coastal areas so hanggang ngayon pwede pa din sya magamit. So dahil nga yung client ko yung yung iniisip lang matapos yung project, eh di yun, wala na syang impact ngayon.
So ang maikling sagot dun sa tanong mo na “How long have you started freelancing?”
Magte-ten years na rin yung buong freelancing pero yung online freelancing as a digital marketer magpa-five years pa lang. Grabe ko no?! Ang haba ng sagot, eh yun lang pala.
What are your greatest achievements in your 5 years of freelancing?
Rene: Dun sa five years na yon, ano mga achievements mo?
Coach Shoden Youtube ads: So dun sa five years sobrang swerte ko kasi yun nga dun sa bagong paglipat ko nagkaroon ako ng chance to be working with some of the biggest marketers sa Pilipinas. Yung mga online na mga masasabi natin na mga big names natin.
So naka-work ko sina Coach Jon Orana, Coach John Pagulayan, Coach Allan Ngo, Coach Julian Canita lahat ng mga– like Marvin De Leon, and Ginger Arboleda, yung mga bigger names in the freelancing space, napadpad ako dun.
So like for example, in John Pagulayan’s case, he actually goes on record to mention na, because of my videos, kami kasi yung unang gumawa ng ads for The Freelance Movement Tribe, so ako yung unang nag-shoot nun, and he made–
Ang business ng Freelance Movement Tribe mismo actually made 3 million pesos in one week dun sa pag set up namin ng funnel na yun.
It’s more than the money!
So that’s one of those things, more on the money impact is pinaka proud ako dun sa community na na-build natin na kasama ka din ‘di ba?. Sobrang proud ako dun kasi nagbabago yung mindset ng mga fellow videographers and video editors like me.
Nakakatuwa like seeing people grow dun sa mindset and sa business nila. So yun yung isa sa mga I would say big things na siguro achievement lang. Meron akong mga case studies that I can actually share later if that’s really the question like we were able to help a client 11X ROAS nila dun sa YouTube ads nila.
Meron kaming ROAS na natalo namin yung Facebook ads, na nagawa naming mas mura kesa sa Facebook Ads. So maraming mga ganung things.
If you really want to get into the details pero if you ask me lang personally, yung achievement ko is being able to help more Pinoy na video professionals like you and me, think more in terms of value than in terms of hourly rates nila and yung worth nila. ‘di ba bro? Alam mo to eh.
Like ‘di ba dati nagkukwentuhan tayo, kasi maraming Filipinong editor di nila bina-value sarili nila, yung service nila ‘di ba? Kaya yun bro yung parang masasabi ko na parang proud ako na achievement.
What are your struggles and challenges ( as a freelancer)?
Rene: And I testify to that. So of course, yung mga achievement di naman agad dumating yan eh. Ano ba yung mga naging struggles mo and challenges being a freelancer?
Coach Shoden Youtube ads As usual, kasi lahat naman tayo kung wala talaga tayong training na or background na magga-guide sa atin meron ‘di ba? We also always run into trial and error.
So dati kasi nung hindi pa ko thinking like I am right now, yung mga projects ko, although meron din namang mga high ticket, mga 7 figures, minsan parang yung sinasabi ko na rin before, roller coaster sya. Minsan may kita, minsan wala.
So yun yung isang big thing na when you’re doing freelancing the right way pala magkakaroon ka ng income every month na hindi ka na magwo-worry.
Before kasi, dati pag naka-close ako ng malaking deal, pahinga na agad or hayahay tapos kapag pawala na yung pera saka pa lang maghahanap. ‘di ba right now, natutunan natin na dapat every single week or at least parang may regular cadence ka ng paghanap ng bagong clients so kahit nakapila sila basta meron kang kinakausap na bagong prospect. So yun yung parang isang thing na nagbago talaga. Challenge ko before yun like pano magkaroon ng steady flow of clients.
What are the habits that you developed that helped you in freelancing?
Rene: Ok. So that’s still a problem of many of our video editors. Regarding naman sa routine or habit bilang freelancers, dapat meron tayong healthy habits pwede sa body or work ethics. Ano bang mga habits ang nadevelop mo that help you to be the freelancer that you are now?
Coach Shoden Youtube ads: Yun oh! Actually bro, yun nga, kung meron mang habit na gusto kong i-share sa mga video creatives who are mostly following the channel ni Rene, it’s really the habit of practicing to connect.
So kahit hindi ka naman actually nagko-connect sa client makipag kilala ka lang. Kahit may makita kang parang pwede mong i-network kasi di naman kailangang client lahat eh. Pwede naman ka-industriya na magpasahan kayo ng project in the future or similar na field pero adjacent lang na market.
For example, instead of connecting to a prospect, you can connect to somebody who is a Facebook ads expert. For example, ikaw yung mag-eedit ng video ad and then may ka-partner ka na Facebook ads expert. ‘Di ba less pressure yun?
Connection is the key!
Eh kasi yung iba kala nila puro lang client ang pwedeng i-connect. Pero ang pwede mo pang gawin is makipag-friends ka sa potentially pwede mong maging ka-collab, maging ka-partner. So isa yon para di ka rin palaging stressed out.
May nakakabit na stress kasi dyan ‘di ba? Merong nakakabit na fear. So para di ka masyadong mag-fear ng experience na yan, dahan-dahan mo lang. Hanap ka ng ibang person to connect to para lang ma-practice yung skill, and then overtime, you will actually start to enjoy it.
Rene: Oo nga eh, kasi di ako masyadong nagko-connect dati sa tribe. So nung anniv sabi ko dami ko palang di ko pa na-connect-an. So that’s why this project came up to me. I need to connect with the tribemates.
For the benefit naman nung mag-starting out pa lang, if you are to start freelancing again halimbawa you’ll start from zero, ano bang gagawin mo?
If you are to start freelancing from zero, ano gagawin mo?
Coach Shoden Youtube ads: Palaging babalik ako dun sa part na para ma-avoid mo yung feast or famine na set up as a freelancer, tapos lalo na pag video freelancer ka, wala kang business if hindi ka nagpo-prospect. Ito yung hindi ko na-realize kaagad dati.
Kung alam ko lang na yun pala yung lifeblood ng business mo is makipag-usap sa mga tao, mag-reach out, and then sana yun nga kunyari mawala lahat ng ginagawa ko ngayon lahat ng business, first thing ko na gagawing habit is maghanap ng makakausap.
Stick to one!
So ito pa yung thing kung start from scratch, zero talaga, mag-stick kaagad sa isang market lang. Kasi ito yung parang conundrum ng isang freelancer lalo na if you are a video freelancer. If you are doing video, may tendency ka na maging lunod sa kahit anong market kasi pwede mong i-offer yung video-editing sa lahat ng clients eh.
Because all businesses almost na online, they all need videos to either get leads for their front end, get conversions dun sa part na magko-close na ng client or customer, and then pwede din testimonial, pwede din parang [culture] or referral.
So lahat ng phases ng isang business process pwede mong lagyan ng video. So pasok sya dun sa tinatawag natin na ‘revenue line’.
‘Di ba sakit sa ulo? Kapag alam mong valuable yung offer mo pero ‘di ka sure dun sa market mo, magiging sabog-sabog din yung pagdeliver mo ng service. So if you’re starting out, really important kahit na ano pang sinabi ng mga barkada mo na kahit sino i-serve mo, really important na maghanap ka and stick to one market muna.
So when I say stick to one, give it around maybe 300 connects/outreach para masabi mo talaga na ayaw mo sa kanya or gusto mo sa kanya. Yun pala yung unang 50 na sumagot sa yo parang di lang sila bagay dun sa lugar na yon. Make sure na mag-connect ka and make sure na mag-stick ka lang sa isang market. So yun yung parang two things na i-aadvise ko if bagong bago ka nga.
Rene: Start with the market talaga. So tapos na yung limang questions ko eh, so let’s get up close and personal.
Who is Coach Shoden in his younger years?
Sino ba si Coach Shoden before? Ano ba ang mga naging experiences mo nung mga early years mo that contribute to your personality ngayon? Pang artista eh no?
Coach Shoden Youtube ads: So dati bro, wala pa kong screen name nun. Hindi pa ko Shoden nun. Dati Dennis yung pangalan ko.
Ang kwento nyan, yung tatay ko kasi ang pangalan nya Anastacio tapos ang birthday ko June 12, Independence day sa atin sa Pilipinas. Ang gusto dapat nila ipangalan sa kin Independencio kaso sabi ng nanay ko, “Huwag mo namang payagang ma-bully yung anak mo!”
So hindi na ginawang Independencio. Ginawa na syang Dennis. So yung Dennis, overtime nung high school… So naging Dennis ako for the longest time, bro. Nung college na ko, meron akong naging classmate sa Chem 16 na Dennis din yung pangalan. Kaso pag tinatawag kami “Dennis” parehas kami lumilingon.
So sabi ng teacher “Dencio,” parehas pa din kaming lumilingon. Ang ginawa ko, “Ma’am ako na lang si Shoden.” So dahil dun naging “Shoden” na ako, and the rest is history.
Pero dahil don tinatanong ako ng mga tao kung Japanese daw ba ko?
Rene: Oo nga eh tunog nga, tapos may “San”, “Shoden San” pa no?
Coach Shoden Youtube ads: Hindi naman. Wala namang connection. Pero dahil maganda siyang ice breaker. Kasi ‘di ba, in terms of making connections, something na unique na about you pwede mo siyang gamitin as parang an ice breaker element.
Secret client getting strategy
So ang ginawa ko ay nag-aral ako ng Japanese. Walang kwenta eh, pero nakakatuwa siya kasi nakakuha ako ng client by parang using yung mga small things like that.
So aral ako ng Japanese tapos itatanong kung Japanese ba ko. Sinasabi ko na (speaking Japanese) so “Japanese ka nga ba?” “Ay hindi” ganoon. Pero at least ‘di ba meron ng rapport. Ikaw natatawa ka na nga, ‘’di ba? Hindi mo nga ako kilala ngayon, like how you know me, kahit papano ‘di ba napansin mo nag-lessen na yung guard mo?
Rene: Oo tama, may rapport..
Build rapport by being unique
Shoden: So hindi ka na masyadong ilang sa ‘kin. Kunyari, first time mo lang ako na-meet, uy parang ok yung pangalan nya ‘di ba, may something unique. In fact, meron akong client nga sabi nya, hindi ko alam at that time but part daw ng branding ko yun.
Kasi daw meron namang ibang video people pero ang inakala nya yung buhok ko na naka ganito and yung Shoden na pangalan. So kaya kahit medyo wala na kong buhok, hindi ko rin siya tinatanggal.
Tapos before ako naging Shoden, like many Filipinos or freelancers ngayon, nag-work din ako sa corporate ng matagal. Tapos na-realize ko na mahilig pala ko sa photography, later on videography.
And parang maraming tao din, nag-ipon muna ng pangbili ng unang DSLR, nag-start mag-take ng pictures, tapos nag-practice practice sa event ng mga kaibigan pagkatapos may nakakita ng mga pictures ko sa Facebook ko. Tapos may nagtanong “Pre, magkano ba singil mo sa birthday na shoot?”
Rene: Oo.
Shoden: Tapos sabi ko, “Ok ‘to ah. Mababawi ko yung mahal na hobby na ‘to.” Medyo mahal kasi yung mga gear, ‘di ba?
Rene: Oo.
Shoden: Tapos dun siya bro nagsimula. Hindi naman to superpower na nag-aral ako ng filmmaking or stuff like that. Madami ding pangit na videos before as in. Hindi ko rin tinatanggal sa Facebook ko yun. Kapag pinuntahan mo ang daming pangit dun mga practice videos, kasi gusto ko rin malaman yung progress ko over time. So dapat ‘di natin kinakahiya yung mga unang pangit na video.
So yun, dun ako dati. And then nag-start magkaroon nang experience kasi ginawa kong skill yung pag communicate sa client and paghanap ng prospect.
A powerful tip when starting: mix skills wisely
So like I said, hindi lang ako consistent pero yun yong malakas ko ng skill. And then na pair up ko siya with video editing and video storytelling. So isang tip yun guys if nag start ka, try mo mag halo ng dalawang skill, at least. Kasi kapag isang skill mo lang kailangan ikaw yong number one sa mundo. For example, basketball, ikaw bro, sinong pinaka-number one sa mundo para sa’yo?
Rene: Number one sa basketball? Michael Jordan of course
Coach Shoden Youtube ads: O diba, Michael Jordan pa rin nasa isip mo ‘di ba? Pero isang skill sya, ‘di ba?
So mayaman siya sa isang skill pero di tayo lahat kayang maging pinaka number one sa lahat nang pinaka top na thing. Ang pede mong gawin para medyo comfortable ang life mo, mayaman ka din, maghalo ka ng dalawa or tatlong skill. Yung isang astig na skill is palaging hinahalo yung pano mag communicate.
Communicate your value
So ano ‘to e, dun ko natutunan ‘to e. Like kunyari, marunong ka mag video, videographer ka.
Pero kung marunong ka mag communicate, Jason Magbanua ka. Pansin mo ‘di ba? Kapag marunong ka mag konting kwento tumaas yung rate mo. Ganun sya.
Isipin mo pa kung sundalo ka tapos marunong ka mag public speaking or mag communicate, pag kwentuhan ng maayos, David Goggins ka ‘di ba? May libro ka ‘di ba?
Marunong ka magkwento. So try mong dagdagan kung ano man yung skill mo on top of that, which is communication, communicating others. So pwede siyang written form, which is like for example si John Pagulayan, yung isa nating friend and mentor.
Hinalo niya yung persuasion plus communication. Gets mo? So ang lumabas email copywriter siya. So nung nalaman ko yon sabi ko shet na blown away ako!
Kunyari isa kang gumagawa ng kutsilyo. Magkano lang yung bayad sayo nun. Pero kung marunong ka kung pano i-communicate yung value niya, craftsman kana. ‘Di ba sword master na yung tawag. Yun yung nakikita ko bro na difference. So kahit sa field natin, video editor ka. O ‘di ba pare parehas tayo video editor?
Sa mundo natin nang mga pinoy video editors kahit parehas tayo ng level nang galing, sa video even mas magaling ka sakin or meron ibang tao na mas magaling pa sa’tin, pero hindi nila shini-share, hindi nila kino-communicate yung value nila, mas mataas parin yung bayad satin, ‘di ba?
Pansin mo yun? So yun yung hack. Bro, hindi ko pa nakekwento sa isang podcast yan, dito lang.
Rene: Matindi exclusive!
Coach Shoden: Tindi ‘di ba? Exclusive.
Rene: Eh ngayon, ano ba mga activities mo ngayon, mga happening sa buhay mo ngayon?
What are your current happenings and activities in life?
Coach Shoden Youtube ads: Actually bro, wala masyado. Kasi parang swerte na siya at this point na hindi ko na kailangang maghabol ng sobrang daming things. So yung happenings ko is usually dito sa tribe, sa freelance movement tribe, sa ginagawa natin. Yung karamihan na things is around family and client work lang.
So, yun pagmamanage nang the whole things na yun. Kumabaga yung calendar ko ngayon medyo butas na. May mga oras na in the day na walang ginagawa. Like ito, mag guests sa podcast mo ngayon para pwede na ako maka attend diba.
Rene: In the future, ano bang mga goals mo na gusto mo pang ma achieve?
What are the goals you want to achieve in the future?
Coach Shoden Youtube ads: Ano, yun nga kasi, dati meron kaming brick and mortar na school na nagtuturo talaga kami ng videography. Pero dahil sa pandemic, nawala siya and ngayon balak kong buhayin uli yun para makatulong sa mga fellow Pinoy Video Creatives para din mai-share yung talent nila, at a premium rate.
Kasi diba tinuturo naman yung freelancing at a premium level, like what you’re doing pero I think pwede pa nating ma refine like kung gusto mo talagang mag focus as a video editor or video ads person.
I think meron pang marami pang taong gusto matuto don and pede pa siyang maging, isa pang community na similar to what we are doing sa freelance movement, so isa yon.
And of course, syempre gusto mo nang kumita nang maayos na pera para ma share mo yung mga once in a lifetime experiences dun sa family members mo o sa love ones mo. Mabigyan mo sila nang magandang adventure mga ganyan para hindi lang puro about work. So yun lang naman bro, the usual. Hindi naman siya grabeng-grabeng thing na maging bilyonaro or anything.
And yung nasa future ko siguro yung to help educate more people around freelancing, working from home, yung ginagawa mo din. And siguro may konting mindset din. Kasi palagi naman pag ka nag e-evolve ka palagi namang kasama yung mindset mo, ‘di ba? Sabi nga ni Jimron ‘di ka pwedeng maging next level kung ikaw mismo naka stuck pa rin yung mindset mo sa past na thinking mo.
So kasama din sya. Tinuturo ko din naman na siya in a smaller scale inside of the tribe pero I think in the future I am looking forward to helping more people sa labas ng tribe.
Rene: Parting words para sa mga audience…
What are your parting words for the audience?
Coach Shoden Youtube ads: Parting words kaagad ah. Actually, Yun nga bro sa audience mo kasi yung mga freelancers na nakikinig and nanonood sa programa ni Coach Rene.
Ayun guys, proud ako sa kanya kasi nakita ko yung evolution niya nung nandon siya sa group ko and naging leader na rin siya in his own right and tumutulong na rin siya sa maraming tao ini-influence niya in a way that makes them improve.
So, yun! If you’re just starting out really it’s important na kasi ito, itong thing na ito palagi siyang pinaguusapan outside bakit kailangan ng mentors yung magpi-freelance kalang naman ‘di ba? Bakit kailangan pa nang course? Bakit hindi nalang i-YouTube yan?
So ako na nga yung sample nang ni-YouTube ko lang dati tapos mali-mali. Madaming clients hindi nagbayad. Marami akong heartache and stress. Pero kung gusto mo pa ring same thing yung mangyari sayo na gusto mo mag trial and error ulit, edi gawin mo pa rin ng wala kang mentor.
Learn from your errors
Tapos that’s only because kung bata ka pa nga and marami kang time kasi palagi yan trade off. If my time ka, you can do the thing na you can really spend yung errors mo as you go along pero if gusto mong maging mas efficient and gusto mong magkaroon ng fast results, look for people na nagkaroon na nung mistake na yon and na overcome na nila yung mistake na yun.
Lalo na sa negotiation hindi naman magaling mag negotiate mga videographer e. Ako kinagat ako dun dati so meron akong client na sinabi ko yun presyo ganito tapos hindi man lang pumikit. Okay. Bad trip to ang mura ng nabigay kong pricing. So pwedeng mangyari sayo yun.
Tapos kung wala kang mentor bahala ka sa buhay mo diba kasi kakainin mo yun e joke lang. Tatanong-tanong ka sa mga tao na mga kakilala mo, mga friends mo, pero wala rin namang alam.
Tatanong ka sa YouTube, kelan sasagot, ‘di ba? So nasa iyo yan kung ano talaga yung output mo. Anong stage mo kung bata ka and what type of person you are. Kung ikaw yung DIY person na ‘di talaga humihingi ng tulong, then mas matagal nga lang yung time na kakainin.
So yon, yun lang. And I hope na nag enjoy kayo sa ating very short, but I think hopefully insightful slice at looking at freelancing from a video perspective. Alright. Thanks, Rene for having me over.
Rene: Yes, thank you rin.
Shoden: Eto yung buhok ko bro. Eto yung sinasabing Bob Ross.
That is Coach Shoden, our Freelancer of the week. Bookmark FreelancerPhilippines.com to receive the latest updates on our interviews with successful Filipino freelancers in the digital marketing space.
Kristine is a Digital Marketer and Financial Educator from Taguig